Update ng CONDOR-PISTON Bicol
Sorsogon, at Albay umabot na sa 91.5 % ang paralisasyon ng mga pampublikong transportasyon (mula kaninang alas 9:00 ng umaga).
Sa probinsya ng Albay, 91.75% ang paralisasyon sa transportasyon, samantalang umabot naman sa 92 % sa probinsya ng Sorsogon.
Sa Albay, 100% ang tigil-pasada ng mga bus at van, 92% sa mga jeepney, at 75% sa mga tricycle. Sa Sorsogon naman, 100% ang tigil pasada ng mga bus at van, 98% ng mga jeep, at 70% ng mga tricycle ang hindi pumasada.
Sa Naga City, nagsagawa ng picket-rally ang CONDOR-PISTON at BAYAN-Naga, at nag-flanking sa mga gas stations ng Caltex at Shell Station. Tinuligsa at kinundena dito ang pagka-gahaman ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa labis-labis na tubo sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo. Kanila ring binatikos ang sabwatan ng Gobyernong P-noy Aquino at dayuhang kartel sa langis sa ibayong pagpapahirap sa mamamayan dahil sa 12% EVAT at Oil Deregulaion Law. Sa Partido Area at Rinconada Area ng Camarines Sur, sumama ang mga Opereytor at Driver sa isinagawang tigil pasada.
Sa probinsya ng Masbate, umabot sa 80 porsyento ang paralisasyon ng transportasyon sa ilang malalaking bayan.
Welgang transportasyon ang organisadong tugon ng mamamayang Bikolano sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at sa kawalang konsensya at pagiging manhid ng rehimeng US-Aquino sa kahilingang ng sambayanan na ibasura ang 12% Evat at ipawalang bisa ang Oil Deregulation Law.
Ang welgang transportasyon na ito ang kulminasyon ng sama-samang pagkilos ng mamamayang Bikolano laban sa Operation Pacific Angel 12-1 na isinagawa ng US Armed Forces (USAF) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Albay, na magtatapos sa araw na ito.#
(Reference:Ramon Rescovilla, CONDOR-PISTON-Bicol./11:00 ng umaga, Marso 10, 2012)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento