Gabriela-Bicol Tutol Presensya ng US- Troops:
Mahigit 7,500 Lumahok sa Koordinadong Martsa-rali sa Bikol
Muling nanawagan ang Gabriela Bicol para palayasin ang mga sundalong Kano sa Bikol. Koordinado ang isinagawang martsa-rali sa iba’t ibang lugar sa Bikol. Mahigit 2,500 ang nagmartsa sa mga lansangan ng Albay at Legazpi City; may 1,500 katao ang nagrali sa Sorsogon City; nagtipon din ang 500 katao sa Plaza Quince Martires sa Naga City; at 3,000 ang mobilisasyon sa Masbate City.
Kanilang isinigaw: Ibasura ang VFA (Visiting Forces Agreement). Dahil sa VFA, nanatili at tuluy-tuloy na presensya ng US troops sa Pilipinas kahit walang pormal na base militar.Ito ay bahagi ng psychological warfare upang masanay umano ang mga Pilipino sa presensya ng mga Kano sa alinmang parte ng bansa,pahayag ng Secretary General ng Gabriela Bicol na si Jen Nagrampa.

Sa panabing na humanitarian services,malayang nakakapasok ang mga Kano sa ating bansa gamit pa ang mga rekurso at pasilidad ng mamamayan.Malinaw na ang mga aktibidad na ito ay nakabalangkas sa Oplan Bayanihan na nakabatay sa US Counter Insurgency Guide kung kaya gagawan itong bonggang media projection upang ipresinta umano ang “kawang gawa”nila at ilihis sa tunay na sadya ng mga Kano dito sa ating rehiyon.
Ayon pa kay Nagrampa, malawak ang ginawa nating kampanya noong 2009 upang tutulan ang Balikatan exercises dahil may kalakip itong operasyong militar sa pamamagitan ng paniniktik at surveillance sa mga kalupaan at karagatan ng Bikol. Matatandaang may mga bahay ang binomba noon sa Balanac, Ligao city at may mga kababaihan at bata ang nasugatan at nasawi dahil sa pinatinding military operation.Kasaysayan mismo ang makakapagsabi ng napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao,pagpatay sa mga sibilyan gayundin ang panggagahasa,prostitusyon at at iba pang karahasang sekswal ng militarista at mapang-abusong tropang Kano.
Hirap na ang buong bayan dahil sa di maampat na pagtaas ng presyo ng langis, mga pangunahing bilihin,at kawalan ng serbisyo.Subalit walang alternatibong solusyon ang gobyernong US-Aquino upang maibsan ang hirap at gutom ng mamamayan,mas lalo pang ibininukas sa interbensyon ng US upang pagsamantalahan at huthutin ang yaman ng ating bansa.Sadyang inililihis ni Noy-noy ang isyu ng kahirapan sa impeachment ni CJ Corona upang pagtakpan ang kahinaan at pagiging tuta ng kanyang rehimen sa US dahil sa mga pabor at pagkilingnya sa mga kumpanya ng langis at pakikisangkot sa gyera na inilulunsad ng US,paliwanag ng Gabriela-Bicol.
Aniya, ito ay tahasang panghihimasok at paglabag sa pambansang soberanya at konstitusyon ng ating bansa.Ang pananatili at pagpasok ng mga sundalong Kano sa Bikol ay aksyong agresyon lalo pat sila ay military at hindi mga sibilyan. Bakit hindi na lang mga propesyunal tulad ng mga doctors, nurses o engineers, o kaya naman ay idaan sa mga private institution o NGOs kung ang layunin ay humanitarian services?
Mahigpit na pagkakaisa ang mga Bikolano upang tutulan at ilantad ang joint military exercises ng USAF at AFP sa Bikol. Huwag tayong mabulag at malinlang ng pagpapakatuta ng gobyernong ito na maulit ang paglapastangan sa mga makabayang Pilipino na nagmamahal at nagtatanggol ng soberanya at kasarinlan, panawagan ng Gabriela-Bicol.#
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento