Inilunsad kaninang umaga Marso 5, 2012 ng Mamamayang Bikolano ang "Motorcade Protest Laban sa OPERATION PACIFIC ANGEL 12-1" upang ilantad ang tunay na layunin ng humanitarian mission at disaster relief operation na isasagawa sa Sto. Domingo, Daraga at Legazpi City sa lalawigan ng Albay bilang bahagi ng joint military exercises ng United States Armed Forces (USAF) at Armed Forces of the Philippines sa bisa ng Visiting Foces Agreement (VFA).
Nagsimula ang pagtitipon sa Kimantong, Daraga,Albay bandang alas 9:00 ng umaga. Umikot ang 24 sasakyan mula sa sektor ng magsasaka, kababaihan, kabataan at mga organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan Bikol sa kahabaan ng Rizal Street ng Daraga at Legazpi City. Nagtapos ang motorocade protest sa pamamagitan ng isang programa sa harap ng Camp Simeon Ola.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga tagapagsalita ng iba't-ibang sectoral na organizations sa rehiyon at mula sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at Camarines Sur.
MAMAMAYANG BIKOLANO MAGKAISA,
LABANAN ANG INTERBENSYONG MILITAR NG US!
IMPERYALISMO IBAGSAK!
ISULONG ANG PAMBANSANG KALAYAAN AT DEMOKRASYA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento